↓↓↓ VIDEO ↓↓↓


ALINDOG NG ASWANG Aswang Story, Tagalog Horror, Pinoy Horror Story

Your video will begin in 04:00

↓↓↓ VIDEO ↓↓↓


11 Views

Alindog ng Aswang, Aswang True Story, Pinoy Horror Stories, Tagalog Horror, Kuwentong Aswang, Aswang #AngMandirigma #AswangStory #PinoyHorrorStory #Ta...

Дата загрузки:2021-10-08T08:55:10+0000

↓↓↓ VIDEO ↓↓↓


Published
Alindog ng Aswang, Aswang True Story, Pinoy Horror Stories, Tagalog Horror, Kuwentong Aswang, Aswang

#AngMandirigma
#AswangStory
#PinoyHorrorStory
#TagalogHorrorStory

https://www.facebook.com/profile.php?id=100070927607534

Kuwentong kakaiba, nakakatakot, kagimbal-gimbal hango sa tutuong karanasan o di kaya ay guni-guni o ng malikot na pag-iisip.

Sa ating buhay nakaka enkwentro tayo ng mga di maipaliwanag na mga pangyayari. Ito ba'y aksidente lamang? O sadyang mayroon kang kakaibang kakayahan na makakita ng mga bagay patungkol sa usaping Elemental?

May mga taong binigyan ng ibang angking galing. Ito ba ay biyaya o isang sumpa? Sa aking karanasan ito ay pareho. May mga nakita akong bagay habang natutulog at nangyayari sya habang napapanaginipan ko. Ang tawag nila dito ay "Clairvoyance", madalas ding nananaginip ako tapos mangyayari yon sa pangkasalukuyan. Hanggang ngayon isa pa rin itong malaking katanungan sa akin kung ano ito at bakit ko sya nararanasan.

Katulad noong nakaraang linggo, kasama ko mga kaibigan ko na nag bike papuntang Marikina. Biglang sinabi ng isang tropa (Puga) na nakikinig daw sya ng mga horror stories at kilala daw nya ang isa sa mga sikat na Horror Narrator (AngPinuno). Sabi ko kasama ko sa industriya ng dubbing at isang kaibigan. Bigla ko syang sinabihan na, napanaginipan ko na ito at tandang-tanda ko ang eksena. Yong taong nasa panaginip ko, naka-upo sa bisikleta na naka park sa bangketa habang umiinom ng buko juice. Ito ba ang dahilan kung bakit ko isinusulat ito? O nakita ko na at ito ay nakatadhanang mangyari?

Mga pagkakataon na gigising ka sa kalagitnaan ng gabi, madaling araw o kahit anong oras. Madalas kong nakikita ang mga oras na 1:11, 2:22, 3:33, 4:44, 5:55, 11:11. Simple pa yan, paano kung bigla kang napatingin sa relo ng celphone mo habang nasa traffic at ang oras ay eksaktong 11:11pm ng November 11? Ito ba'y nagkataon lamang?

Paano naman kung habang nagmamaneho sa kahabaan ng NLEX taong 1999, mabilis ang patakbo ko ng sasakyan dahil may kasabayan akong isang Silver naChedeng na 2 door ng bigla kong makita ang temperature gauge na medyo umangat. Huminto muna ako kahabaan ng Viaduct sa NLEX, boundary ng Bulacan at Pampanga kung saan ang Itlog ay nagiging Ebon. Hahahahaha

Malamig ang simoy ng hangin bilang buwan ng Pebrero. Binuksan ko ang hood at nakitang ok naman ang radiator at kumpleto naman ito sa coolant. Maalaga ako sa sasakyan at alam kong nasa kundisyon ito. Nagpatuloy kami sa byahe ng kapatid kong si Joel at habang nagmamaneho sinabi nya na may nakita syang kakaiba sa lugar na yon.

Bago kami makarating sa dulo ng Viaduct, may mga sasakyan sa unahan at halos hindi umuusad at sa palagay ko may aksidenteng nangyari. Pagtapat ko sa mga sasakyan nakita ko ang isang sasakyang pamilyar sa akin. Ito na yong Silver na Chedeng na 2 door at nabangga yon sa isang sasakyan. Wasak na wasak ito. Napaisip ako, maaaring kami yon kung diniretso ko ang pagtakbo at hindi ako tumigil sa gitna ng Viaduct.

May mga ala-ala ako noong bata ako na may nakikita akong maliliit na mga tao sa aming bakuran. Akala ko bunga ito ng mga napapanood kung horror o kaya dahil sa mga katatakutang kuwentuhan sa probinsiya. Mga bagay na hindi mo binibigyan ng pansin kasi akala mo normal lang. Pero naaalala mo at masasabi mo sa sarili mo na hindi yon isang panaginip o pelikula na napanood mo. Nitong pagtanda ko na lang napagtanto na meron pala akong Third Eye.

Mga lugar na pinupuntahan ng mga kaibigan na pagdating don bigla kang makakaramdam ng mainit sa batok mo at makakaramdam ka ng mabigat. Sasabihin ko na lang sa kanila na ayoko don at may negative energy don kaya lumipat kami sa kabilang bar. Maaaring ayoko lang ng maingay sa lugar? Pero nabalitaan namin na meron palang nangyaring gulo don paglabas namin at may mga Pulis. Paano kung hindi ko sinabing lumipat kami? Nagkataon lang ba?

Yong mga kaibigan mo o kakilala na kakausapin mo kasi bigla mo silang naisip? Tapos may mga suliranin pala sila. Pati na rin ang mga taong kausap mo at masasabi mo sa iyong sarili na hindi sya tapat sa kanyang sinasabi. Nararamdaman o nakikita ko aura nila. Ito bay nagkataon lang? Mayroon bang dahilan o paliwanag para dito?
Ito ba ay dahil sa may kanya-kanya tayong kabaliwan? Bwahahaha

Maging ano pa man ang mga karanasang ito na salat sa pang unawa at kaalaman. Samahan po ninyo ang inyong abang lingkod sa pagsasalaysay ng mga kuwentong kakaiba, nakakatakot, nakakagimbal, kahindik-hindik, kababalaghan na hango sa kalikutan ng pag-iisip o pawang mga katotohanan mula sa karanasan ng mga indibidwal.

Ating tunghayan ang paglalakbay ni Ang Mandirigma sa mundo ng Katotohananan at Imahinasyong walang Limitasyon!







Music by Bensound
www.bensound.com

Gathering Darkness by Kevin MacLeod is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 licence. https://creativecommons.org/licenses/by/4.0/
Source: http://incompetech.com/music/royalty-free/index.html?isrc=USUAN1100849
- [ ] Artist: http://incompetech.com/
Category
Erotic movies HD
Be the first to comment